7,106

By

‘Wag mo kaming sisihin sa mga eskandalo mo! – LP’s Pangilinan kay Duterte

Sharing is caring!

Hindi na nakapagpigil sumagot si Liberal Party President Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa mga pasarin ni Duterte na may balak aniya ang partido kasama ang mga komunistang grupo at si Senador Antonio Trillanes na patalsikin siya simula Oktubre.

Saad ni Pangilinan, walang basehan ang mga paratang ng Pangulo at ang administrasyon mismo ang nagde-destabilize ng kanilang sarili.

“The accusation of destabilization is downright false. It is ridiculous. Dissent is not destabilization,” saad ni Pangilinan sa isang pahayag.

“Every time scandals and controversies hound this administration, whether it be corruption issues or issues of incompetent governance, it blames the opposition.” dagdag pa niya.

Saad pa ni Pangilinan na imbes pag-initan ang oposisyon ay dapat umano na mas pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang tunay na problema ng Pilipinas tulad ng kakulangan ng pagkikitaan ng mga Filipino at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“If the President doesn’t want to listen to the opposition, that’s fine but his own allies are sounding the alarm bells. Malacañang should heed the clamor of its own allies and act decisively to solve the rice crisis,” sambit ni Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?