537

Jan 13, 2022 @ 18:16
By

‘Wag manahimik! Xian nakisawsaw sa issue ni Andrea, Francine, Seth

Pinanindigan na talaga ni Xian Gaza ang pagiging “Pambansang Marites” nito.

Ngayon naman kasi ay nais ni Xian na mabigyang linaw tungkol sa kumakalat na larawan nina Francine Diaz at Seth Fedelin na magkasama noong holiday.

Naritong nag-iwan pa ito ng mensahe sa Instagram ni Andrea: “Andrea, Xian Gaza here. Pambansang Marites ng Pilipinas. Good morning. Bali hindi talaga kayo mag-jowa nung Seth? Kumbaga love team lang in the name of showbiz? Ang totoo niyang girlfriend ay yung Francine? Pasagot na lang sana para makatulog na ko. Salamat.”

Sa isa niya pang Facebook post ay minention niya sina Francine at Seth, aniya, ‘wag na hintayin ng dalawa na siya ang maghalungkat at mag-tsismis sa nasabing issue dahil ayaw umano nito na marami pang madamay.

“Seth Fedelin Francine Diaz linawin niyo sa publiko yung issue habang maaga pa dahil kapag ako ang naghukay ng intel at nag-splook sa publiko eh kung saan-saan nanaman mapupunta at marami pang madadamay. Silence is not a good option now,” pahayag pa nito.

Sa ngayon, wala pang binibigay na pahayag ang tatlong artista tungkol sa nasabing larawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?