34

Sep 1, 2020 @ 20:17

‘Wag kayong mamahiya! Mela Tunay minura The Varsitarian

RP

Hindi makapaniwala si dating UST volleybelle Carmela Tunay sa naging social media post ng school publication na ‘The Varsitarian’ tungkol sa pag-alis sa koponan ni Jun Asuncion.

Sa tweet ni Tunay, pinatamaan nito ang UST school paper dahil tila pinapahiya umano nito ang nasabing atleta dahil sa kanilang caption.

Sinama kasi ng The Varsitarian sa kanilang ulat tungkol kay Asuncion na lampas tatlong minuto lang ang nilaro nito para sa Growling Tigers, at wala pa umanong naipuntos.

“Who the f posted this?!?!??!?! stop shaming athletes!” gigil na pahayag ni Tunay.

“MVP or scoreless, team A or B, lahat yan parte ng team na nagserve and nagsacrifice para sa UST,” aniya pa, kung saan hinimok niya ang school publication na burahin ang nasabing tweet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?