155

By

‘Wag idamay ang press freedom! Rappler CEO Ressa inaresto dahil lumabag sa batas – Panelo

Hindi umano dapat madawit ang umano’y paglabag sa press freedom sa kasong cyberlibel kontra kay Rappler CEO Maria Ressa na naging hudyat para maipakulong ito.

Sa panayam kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ANC, sinabi nito na simple lang ang dahilan kung bakit nakulong si Ressa, ito ay dahil sa lumabag siya sa batas.

“The case against Maria Ressa is not based on any violation of press freedom,” pakli ni Panelo.

Related story: Anong problema kung pagtapos ng office hours inaresto? – Panelo sa arrest warrant kay Rappler CEO Ressa

“Simply, she committed a crime and the court finds probable cause that’s why she is now being charged… it’s as simple as that,” aniya pa.

Hindi umano namimili ang justice system sa bansa at binigyan umano si Ressa ng lahat ng pagkakataon ng Department of Justice para maipagtanggol ang sarili.

“The charge is facts-based and the DOJ prosecutors gave her all the opportunity to defend herself and it found out there is probable cause and even the court agrees with it,” saad pa ng presidential spokesman.

“I think I’d rather advise Maria Ressa just focus on her defense. Freedom of expression has nothing to do with it,” ayon pa sa kanya.

Related story: Press freedom walang kinalaman sa kaso ni Maria Ressa – Panelo

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?