136

Apr 16, 2020 @ 14:53
By

‘Wag gawing scapegoat! Hindi lang si Duque ang dapat mag-resign – mga netizen

Hiniling ng ilang senador ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa umano’y palpak nitong pagresponde sa COVID-19 kaya nakararanas ng krisis ang bansa.

Ngunit kung mga netizen ang masusunod, hindi lang dapat si Duque ang dapat mag-resign dahil sa nanyaring problema ngayon ng Pilipinas sa virus outbreak.

Nitong Huwebes ay nalabas ang P.S. Resolution No. 362 kung saan nais ng 15 senador na kinabibilangan nina Senate President Tito Sotto, Senate Majority Leader Miguel Zubiri, Senate Pro Tempore Ralph Recto, at mga senador Nancy Binay, Bong Revilla, Ronald dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Manny Pacquiao, Imee Marcos, Francis Tolentino, Sonny Angara, Lito Lapid, Grace Poe at Panfilo Lacson, na mag-resign si Duque bilang Health Secretary.

Dahilan nila ay naging palpak umano ito sa aksyon sa COVID-19, inisa-isa ang mga pagkakataon kung saan nagkulang umano si Duque sa aksyon para sana maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Ngunit sa social media, tingin ng ilang netizen ay nagiging scapegoat umano si Duque ng administrasyon, o nagiging sakripisyo para pagtakpan umano ang mga kakulangan ng gobyerno sa pagresponde sa pandemic.

“Agree, but aside from Sec. Duque, I think someone else needs to step down. Who’s the chief executive giving green light to these slow, inefficient responses to covid?” saad ni @jhnazrn.

“Ito na nga ginagawa syang escape goat. Duque DID NOT do this alone. He gave recos but the final decision is on the President. It failed because DUTERTE is incompetent,” giit naman ni @DOH_Puque.

“Uu, sablay si Duque, but don’t make him a scapegoat sa kapalpakan ng admin ni Tatay! Ang dapat managot ay si Tatay!” ayon naman kay @HisHorniness.

“I agree that Duque should step down but can’t it be done in the middle of a crisis? And if he resigns, the president should resign too,” paliwanag naman ni @JDOcampo20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?