2,862
ABANTE TNT tagle cardinal black nazarene
By

‘Wag gamitin ang kapangyarihan para mambastos – Tagle sa unang araw ng Simbang Gabi

Sharing is caring!

Naging mataimtim ang pagdaraos ng unang araw ng Simbang Gabi sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila kaninang madaling-araw.

Mabilis na napuno ang simbahan na nakinig ng misa.

Sa kanyang homily, nagbabala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle laban sa mga nagsasamantala at sa mga bully o nang-mamaliit ng kapwa.

Aniya, hindi tamang magsamantala at maningil nang sobra sa nararapat.

“Yung nandaraya, panandalian lamang ang iyong kaligayahan, mamaya-maya, uusigin ka na ng iyong konsensya. At ka nang mangangamba. Yang pandaraya mo pangangatawanan mo na yan eh at lagi kang nag-iingat na baka mabunyag na nandaraya ka kaya wala kang kapayapaan,” saad ni Tagle.

May mensahe rin siya sa mga nasa kapangyarihan — huwag mangmaliit at mangyurak ng kapwa at huwag mangurakot.

Ang kapangyarihan ay hindi umano ginagamit para mambastos, manggipit at magparatang nang hindi totoo.

“Huwag kang bully. Do not bully anyone. Wag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para mambastos, para pilitin, i-coerce ang iba, “ dagdag ni Tagle.

May payo rin siya sa mga kabataan na madalas humanap ng gimik, “Para sa mga kabataan ngayon ay araw ng kabataan. Palagi kayong humahanap ng gimik. Maging masaya kayo kay Hesus. Ibang klaseng kaligayahan.”

Ang Simbang Gabi na bahagi ng pagdiriwang ng KaPaskuhan ng mga Pilipino ay tatagal sa loob ng siyam na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?