1,218

By

‘Wag ang pamilya ko! Dianne Medina nabanas sa aktres na nandura ng co-star

Hindi pinalampas ni Dianne Medina ang isang aktres na nandura umano ng kasama nito sa eksena gayong wala naman ito sa script.

Sa Facebook post ni Medina noong Martes, Setyembre 10, nag-blind item ito sa aktres, at tila nagpahaging na kapamilya niya ang naduraang showbiz personality.

“Blind Item : Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko!” saad sa post ni Medina.

Hindi nabanggit ni Dianne kung sino ang kanyang kamag-anak na nabastos ng isang aktres, ngunit kung titingnan ay may isa itong pinsan sa entertainment industry na si Maxine Medina, na ngayon ay gumaganap sa Kapamilya TV series na ‘Los Bastardos’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?