9

By

Wade todo ang saya sa miracle baby

Sharing is caring!

Masaya ngayon si NBA superstar si Dwyane Wade dahil may bagong dagdag sa kanyang pamilya.

Noong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) inanunsyo ni Miami Heat player at asawa nito na si Gabrielle Union-Wade ang pagdating ng kanilang munting na anghel na babae.

Ito ang unang babaeng anak ng mag-asawa na pinanganak via surrogate at tinuturing nila ito isang ‘miracle baby’.

Kuwento ni Wade, sobra ang kanilang pananabik sa paglabas ng kanilang munting anghel bagama’t wala silang tulog at pagod.

“We are sleepless and delirious but so excited to share that, our miracle baby, arrived last night via surrogate and 11/7 will forever be etched in our hearts as the most loveliest of all the lovely days. Welcome to the party sweet girl! #onelastdance @itsgabrielleu,” tweet ni Wade.

Bago pa man dumating kanilang munting anghel, ilang beses ng nakaranas ng miscarriage si Union-Wade.

May tatlong anak na lalaki si Wade at may pinapalaki pa siya isang pamangkin na lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?