Wade, sinalba ang Heat kontra 76ers

Sharing is caring!

Nabura ang 17-game winning streak ng Philadelphia 76ers nitong Lunes (Martes, oras sa Pinas).

Namalayan na lang ng Philadelphia na naglaho na ang win streak at home-court advantage nila nang lisanin ng Miami Heat ang Wells Fargo Center bitbit ang 113-103 panalo sa Game 2 ng NBA playoff series.

Lumagare si Dywane Wade ng 28 points habang nagdagdag ng 20 si Goran Dragic at ang depensa ng Miami ang nagpahirap sa 76ers.

Natapyasan na sana ng Philadelphia ang pagkakaiwan ng 16 points sa fourth quarter sa dalawang puntos na lang sa pagsasanib nina Ben Simmons at Dario Saric, pero sinabotahe ito ni Wade sa pagtahi ng steal, dunk, assist at offensive rebound. (AP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?