25

Jan 27, 2021 @ 15:42
By

Wade pinagtawanan si Beal

Trending sa social media ang pagluluksa ng NBA fans maraming nag post ng pag gunita sa one-year death anniversary nina basketball superstar Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.

Isa si Miami Heat star Dwyane Wade kung saan ang profile pic nito sa kanyang twitter account ay sina Kobe at Gianna na magkadikit ang mukha.

Nasulyapan din sa Twitter account ni Wade ang isang video clip ni Washington Wizards star Bradley Beal na umiiling-iling dahil muling nalugmok ang kanyang koponan sa Houston Rockets, 88-107, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

Natatawa ang tweet ni Wade at sa mga komento ng kanilang mga fan ay humihiling sila na tulungan si Beal na mapunta sa Heat.

Bukod kina Kobe at Gianna may pito pa silang kasama sa helicopter na namatay nang mag-crash ang kanilang sinasakyan.

Kahapon ay inaalala sa Los Angeles ang pagkamatay ni basketball legend Bryant.

Naglaro ng 20 season sa Lakers si Bryant, lima doon ay nagkampeon sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?