22

Apr 17, 2021 @ 8:53
By

Wade part owner na ng koponan ni Clarkson

Pinasok na ni Dwyane Wade ang pagiging executive ng isang NBA team sa kanyang pagbili ng ownership stake ng Utah Jazz.

Plano ni Wade na magkaroon ng active role sa Jazz, kasama ang majority owner at team governor na si Ryan Smith.

“I’ve seen Shaq do it in Sacramento. I’ve seen Grant Hill do it in Atlanta. I’ve seen Jordan do it in Charlotte. If this partnership is going to be anything like my relationship is with Ryan, there are going to be a lot of things that I’ll want to be involved in,” saad ni Wade.

Hindi naman isinapubliko kung ilang porsyento ang ownership ni Wade sa Utah.

Sa ngayon ay Utah Jazz ang nangungunang koponan sa NBA tangan ang 41 wins at 14 loses.

Sa kanila rin naglalaro ang leading Sixth Man of the Year candidate at Fil-Am hooper na si Jordan Clarkson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?