57

By

Wade, mananatili pa rin sa Heat

Kung papipiliin si Dwayne Wade, mas pipiliin niyang manatili sa Miami Heat kung ipagpapatuloy niya ang paglalaro ngayong 16th season.

Bilang free agent, maaaring pumili ng ibang koponan si Wade at may desisyon kung magtutuloy siya sa NBA o hindi.

“For me, at this point, I would love to, you know, if I decide to come back and play the game of basketball, I would love for it obviously to be in Miami,” sabi ni Wade.

Saan mang koponan mapadpad ang kanyang buddy na si LeBron James, mas gugustuhin pa rin niyang maging parte ng South Florida.

“So, at this point for me, sitting here, contemplating on playing the game of basketball, my only vision as I sit here today is playing in a Miami Heat uniform,” sabi ni Wade. (Anne Lorraine Gamo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?