38

Sep 28, 2020 @ 20:15
By

Wade kinantyawan si Pierce

Hindi na napigilan pa ni former National basketball Association (NBA) superstar Dwyane Wade na bumanat kay Boston Celtics legend Paul Pierce nang makapasok ang Miami Heat sa 74th NBA Finals 2019-20.

Nitong Lunes (Manila time), tagumpay na ibinagahe ng Heat ang Eastern Conference title nang mapabagsak ang Celtics 125-113 sa Game 6.

Pinaringgan ng three-time NBA champion si Pierce sa Twitter at nagsabi pa ng “You know where I live. Let me get that.”

Magugunita na hindi ito ang unang beses na nagkabanggaan ang dalawang kilalang basketbolista nang sabihin ni Pierce noong nakaraang taon na mas magaling siya kay Wade.

Bukod rito, tumirada rin ang dating Celtics swingman at ngayong basketball analyst kontra kay Miami Heat president Pat Riley at kamakailan kay rookie Tyler Herro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?