299

Sep 17, 2021 @ 18:28
By

Wade iniputan sa ulo ang misis

Inamin ng asawa ni dating Miami Heat superstar Dwyane Wade ang pinagdaanan nang magkaanak sa iba ang basketbolista.

Kuwento ni Gabrielle Union, hindi pa sila kasal noon ni Wade nang makabuntis ang huli pero matagal na silang magkarelasyon.

Hindi inilihim ni Union ang tungkol dito sa kanyang bagong libro.

“In 2013, before we were married, Dwyane had a baby with another woman,” saad ni Union sa isinulat na libro.

“It should go without saying that we were not in a good place in our relationship at the time that child was conceived. But we were in a much better place when he finally told me about the pregnancy.

“To say I was devastated is to pick a word on a low shelf for convenience. There are people — strangers who I will never meet — who have been upset that I have not previously talked about that trauma. I have not had words, and even after untold amounts of therapy I am not sure I have them now. But truth matters,” patuloy niya.

Tila itinadhana sila sa isa’t isa dahil ikinasal pa rin sina Wade at Union noong August 2014 at ngayon nga ay nag-celebrate ng kanilang seventh wedding anniversary.

May isa silang anak na si Kaavia James, na ipinanganak noong 2018, kung kailan din nagretiro sa NBA si Wade.

Ayon sa The Sun report, si Basketball Wives star Aja Metoyer ang naanakan ni Wade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?