110

Wade asar sa Houston, Anthony pinagtanggol

Sharing is caring!

Hindi naging maganda ang komento sa forward ng Houston Rockets na si Carmelo Anthony sa mga naging laro nito ngayong season.

May 4-7 kartada pa lamang ang Rockets, habang nasa pinakamalalang efficiency rate ng kanyang career si Anthony.

Nasa kanyang ika-16 season ngayon si Anthony na may average na 13.4 points, 5.4 rebounds sa 10 game.

Nagkaroon ng ilang bulungan na ilalabas na si Anthony sa team at nabigyan na ito ng notice, pero pinabulaan naman ito ng Houston.

Ipinagtanggol naman ni Miami Heat guard Dwayne Wade si Anthony matapos sabihin sa kanyang isang tweet na hindi dapat isisi sa huli ang pagkatalo ng kanyang team.

Nagbigay naman ng pahayag ang general manager ng Rockets na si Daryl Morey at itinanggi ang espekulasyon tungkol kay Anthony.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }