67

Jun 17, 2021 @ 14:15
By

Wa epek opinyon ni Duterte! Duque nagmatigas sa face shield

Aapela si Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipahinto ang mandatory face shield sa publiko.

Ito’y sa kabila ng sinabi ng Pangulo na para lang sa ospital ang face shield, batay sa tweet ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Paliwanag ni Duque, kaunti pa lang ang bilang ng mga mababakunahan sa bansa, at mas maganda umano na may dagdag na layer ng proteksyon sa COVID-19 kaysa mabawasan ito.

“Any layer of protection is better than less protection,” giit ni Duque.

Matatandaan na kahit si Health Undersecretary Leopoldo Vega ay sinabing hindi kailangang mag-face shield kapag nasa outdoor setting, at isusuot lamang ito sa mga mall at iba pang establisimyento.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, pag-uusapan sa meeting ng Inter-Agency Task Force ang tungkol sa pagsusuot ng face shield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?