10

May 4, 2021 @ 10:20
By

Wa epek ECQ, MECQ! PGH puno pa rin ng COVID patient

Hindi pa rin nararamdaman ng Philippine General Hospital (PGH), ang pinatupad na striktong quarantine status dahil sa dami ng COVID-19 patient sa kanilang ospital.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nasa higit 90 percent pa rin ang occupancy rate sa kanilang COVID-19 facility.

“In fact, ‘yung huli naming census, 234 patients out of 250 ang naka-admit sa PGH; 234 out of the 250 beds ay inookupa ng COVID-19 patients namin. So that’s more than 90 percent occupancy,” saad ni Del Rosario sa panayam ng TeleRadyo.

“Ang aming ICU (intensive care unit) ay puno pa rin, ang aming emergency room ay puno din, maraming tinatanggap na pasyente,” aniya pa.

Hiling ni Del Rosario na pahabain pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa dami pa rin ng COVID-19 patient sa PGH, ngunit sinabi nito na dapat i-monitor ang bilang ng admission sa kanilang ospital dahil pabago-bago ito.

“We were trending down already, nasa 216 out of 250 beds, pero itong mga tatlong araw na nakaraan puro paakyat na naman. Nagulat kami 234 na naman. Akala namin tuloy-tuloy na,” ayon sa tagapagsalita ng PGH.

Inaasahang matapos ang MECQ sa Metro Manila at mga kalapit na lugar sa May 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?