138

Dec 20, 2018 @ 19:20
By

VS model Kelsey Merritt sumakit ang ulo sa trapik

Balik Pilipinas ang Victorias Secret model na si Kelsey Merritt. At yes, pagtungtong pa lang niya sa Pilipinas, sumakit agad ang ulo niya.

“Sumakit ulo ko sa traffic sa Manila,” unang tweet ni Kelsey.

Well, aware naman siguro si Kelsey sa sitwasyon ng trapik sa Manila, ‘di ba? Eh, lalo pa ngayong Pasko, na talaga naman halos lahat yata ng tao ay lumalabas, nagsa-shopping, nakiki-party, kaya mas doble, o triple pa ang trapik.

“Signs lang ‘yon na nasa Pilipinas ka na talaga. Welcome back, Kelsey,” sabi ni lexa.

“Nothing change Ate Kelsey masanay ka na,” say naman ni eri.ca.

“Kaya sumusuka ako palagi pag bumibyahe pa-Manila,” sambit naman ni Clinty.

“Traumatic experience ang traffic here especially at this time of the year even if you live here you’d get culture shock,” say naman ni Loidita.

Well, makikita naman sa Instagram stories ni Kelsey na para nga siyang pagod na pagod sa biyahe, at lantang gulay talaga dahil sa matinding trapik.

Pero siyempre, hindi hadlang ang trapik para gawin niya ang mga dapat niyang gawin dito sa Manila. Sumabak nga agad siya sa pictorial, at siyempre, naki-party na agad sa mga kaibigan niya, at nakipagkita rin sa iba niyang mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?