46

By

VP vote recount inilipat ng PET sa Abril 2

Sharing is caring!

Ni-reschedule ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang recount ng mga boto nina Vice President Leni Robredo at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa Abril 2, ayon sa legal counsel ng bise presidente.

Nakatakda sana sa Marso 19 ang iskedyul ng recount pero pinagpaliban dahil sa mga kinakailangan pang preparasyon, ayon kay Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo.

Kulang umano ng walong revisors kaya’t inilipat ng ibang petsa ang recount.

Sinabi umano ng PET, 42 revisors lang ang pumasa sa bagong mandatory psychological evaluation, kung saan kailangan pa nila ng walo para sa required na 50 vote revisors, ayon naman sa pahayag ng kampo ni Marcos.

Ang recount ay inaasahang sakop ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, na siyang sentro ng election protest ni Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?