20

By

VP ng Century Properties nambastos ng aplikante

Sharing is caring!

Usap-usapan ang post sa social media ng isang Deg Daupan na ‘di umano ay hinamak ang kaniyang pagiging miyembro ng LGBTQ sa interview sa kaniya ng Vice President ng Century Properties-Team Evolution.

Ayon sa salaysay ni Daupan inimbitahan siya ng VP ng kompanya para sa isang interview dahil nangangailangan ito ng mandarin interpreter para sa mga marketing activity ng kompanya sa loob at labas ng bansa.

Limang oras na naghintay si Daupan bago siya na-interview.

Ayon pa kay Daupan naging unprofessional umano ang VP nang tanungin siya nito kung gaano siya ka-bakla.

Nang tanungin si Daupan kung bakla ba siya ay hindi ito itinanggi ng aplikante ngunit nang pilit siyang na tinanong kung i-re-rate niya mula 1-10 ang kaniyang pagiging bakla ay agad siyang sumagot na hindi siya naniniwalang natatantiya ang kabaklaan sa ganoong paraan.

Ipinaliwanag niya rin na naniniwala siya sa konsepto ng SOGIE o ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression.

Iginiit pa rin ng VP na magbigay si Daupan ng numero bilang pagtantiya ng kaniyang kabaklaan na naging dahilan upang iwan ni Daupan ang interview. Makalipas ang ilang sandali ay sinabi ni Daupan sa staff ng Centuries Property Team-Evolution ang nangyari at saad niya rito’y nais niyang makausap ang VP ngunit hindi na siya hinarap pa nito.

Humakot ng kritisismo sa social media ang ginawang ito ng VP at maraming miyembro ng LGBTQ ang sumuporta at nakisimpatya kay Daupan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?