320

By

VP Leni walang ambisyon sa pagka-Pangulo sa 2022

Sharing is caring!

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na hindi niya pinag-iisipang tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022.

Sa kanyang speech sa Mandaluyong, ihinambing niya ang nangyari noong 2016, kung saan noong una ay wala aniya siyang balak kumandidato ngunit tila itinadhana itong mangyari.

“Wala naman akong ambisyon na after 2022, kakandidato akong pangulo. Wala naman ganoon. Para sa akin destiny lahat. Para sa akin, pag iyon ang nakatakda sa iyo, iyon ang mangyayari. Hindi mo dapat inaambisyon yan. At para sa akin, hindi naman ako nag ambisyon maging pangalawang pangulo,” pakli ng Bise Presidente.

Hindi rin aniya nagpapaapekto si VP Leni sa lahat ng mga may ayaw sa kanya, lalo’t ang kanyang posisyon na hinahawakan ngayon ay kanyang nagagamit upang makatulong sa iba.

“Mayroong greater purpose lahat. Maraming galit sa ‘yo, maraming sinisiraan ka, pero yung posisyon mo pwedeng gamitin para makatulong,” she said.

Ngunit kung papapiliin si Robredo kung sakaling maibabalik niya ang oras, mas gugustihin umano niya na nananatili na lamang sa Sentro ng Alternatibong Lingap Pang Legal o Saligan, kung saan nagsilbi siya ng 10 taon para tumulong sa mga komunidad pagdating sa mga usaping legal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?