73
ABANTE leni vp robredo gobyerno
Jan 16, 2018 @ 14:19

VP Leni, tatapusin ang termino kahit magpalit ng porma ng gobyerno

Tatapusin umano ni Vice President Leni Robredo ang kanyang termino hanggang 2022 kahit pa hindi na magkakaroon ng bise presidente sa pagbabago ng Konstitusyon.

Kung masusunod kasi ang Kamara sa panukalang pagbabago ng Konstitusyon, hindi na magkakaroon ng vice president sa isinusulong na bagong porma ng gobyerno.

Sa transitory provisions na inilatag ng House constitutional amendments, wala nang bise presidente at ang unang eleksiyon sa bagong Konstitusyon ay gagawin sa ikalawang Lunes ng Mayo 2022, ayon sa ulat ng DZMM.

Bubuwagin na rin ang kasalukuyang Kongreso at Senado at magtatatag ng interim parliament na bubuuin ng mga incumbent senators, congressmen at cabinet secretaries.

Ihahalal nila ang interim prime minister habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging head of state at head of government sa ilalim ng federal constitution hanggang sa maihalal ang bagong pangulo at prime minister sa 2022.

Magkakaroon din ng bagong cabinet na magmumula sa mga miyembro ng parliament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?