95

By

VP Leni suportado si Trillanes: Kaya mo yan!

Sharing is caring!

Tiwala si Vice President Leni Robredo na kakayanin ni Senator Antonio Trillanes IV ang panggipit na ginagawa ng gobyerno.

Ngunit inamin ni Robredo na nababahala siya para sa kanilang mga nasa oposisyon dahil sa mga hakbangin para patahimikin ang mga bumabatikos sa gobyerno.

Umaasa din si Robredo na ang ginagawa kay Trillanes ay hindi magiging dahilan para manahimik na ang mga pumupuna sa mga sablay na hakbang ng gobyerno.

Isang positibo nangyayari naman aniya ngayon ay mas pinagbibigkis ng sitwasyon ang oposisyon kayat lalo pang tumatatag ang kanilang paninindigan.

” Yung sa akin lang malaman niya lang na hindi man kami magkapareho ng partido alam namin na mali ang ginagawa sa kanya, dahil mali ang ginagawa nakikiisa kami sa kanya,” ang mensahe ni Robredo kay Trillanes.

Dinalaw ni Robredo si Trillanes sa opisina nito si Trillanes, na simula noong Martes ay hindi na lumabas ng gusali ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?