463

Jan 10, 2021 @ 12:05
By

VP Leni, Sara malabo? Lalaki susunod na Presidente – psychic expert

Isang lalaki pa rin ang mamumuno sa Pilipinas kasunod ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa prediksyon ng isang psychic na si Bro. Arman Cuban.

Sa panayam ng ‘Diskusyon’ sa Abante Radyo Tabloidista, sinabi nito na lalaki ang magiging susunod na Pangulo, habang babae naman ang kanyang magiging Bise Presidente.

“Ang nakikita ko ay lalaki ang mananalong Presidente, ang Vice President ay babae,” lahad ni Cuban.

“Bago ‘yan, hindi luma ‘yan,” hinirit naman na clue ng psychic.

Aniya pa, urong-sulong din umano ang isang babaeng politiko sa pagtakbo sa pagka-Presidente kahit malakas ito sa masa.

Nang matanong naman tungkol kay Vice President Leni Robredo, sinabi ni Cuban na malabo itong manalo sa mas mataas na posisyon.

“May plano pa siyang tatakbo pero hindi na siya mananalo. Tatakbo siyang presidente nararamdaman ko. Matatalo siyang Presidente dahil maraming taumbayan ang galit sa kanya,” binahagi ng psychic expert.

Dagdag pa niya, 10 presidentiable ang inaasahan niyang maglabo-labo sa 2022, pinangalanan niyang posibleng tumakbo ay sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

Sa pagka-Bise Presidente naman, ang mga binigay niyang clue ay isang babaeng party-list representative, na dating sikat na media worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?