21

Aug 20, 2021 @ 12:14
By

VP Leni sa pambibisto ng COA sa mga ‘korap’: Kaisa niyo ko

Matapos ang sunod-sunod na ‘pambibisto’ ng Commission on Audit (COA) sa ilang ahensya ng pamahalaan, binigyang-diin pa ni Vice President Leni Robredo ang gampanin nito sa paninigurong walang korap sa bansa.

“Kaya tayo may mga proseso at regulasyon na kailangang sundin, para masigurong walang korapsyon sa pamahalaan, walang nananakaw, walang nalulustay,” sambit niya sa isang pahayag

“Hindi natin dapat minamasama ‘yung mga reports na ‘to. In fact, binibigyan pa nga tayo ng opportunity na sumagot, na magpaliwanag, na maging mas transparent sa systems and processes natin.

Kung ang trabaho ng COA, ilatag ang mga audit reports para siguruhing walang halagang napupunta sa ‘di dapat kalagyan, ang tungkuling hinihingi naman sa government agencies: Ang magpaliwanag, ang tumugon, at bigyang-linaw ang mga tanong,” giit niya.

Nito lamang linggo nang masompalan ng COA ang Department of Health (DOH) dahil sa paggamit ng P67.32 bilyong pondo na inilaan para labanan ang COVID-19 pandemic.

Anang COA, pinagpapaliwanag lang nila ang departmento at nilinaw na wala naman umanong bahid ng korapsyon ang paggastos ng DOH.

Dahil dito, naging emosyonal si Health Secretary Francisco Duque.

Aniya, malaking kahihiyan ang kontrobersiya ng korapsyon sa kaniyang departmento dahilan para hindi siya makatulog sa gabi.

“Mula noong lumabas ito hindi na ako nakakatulog, bakit kanyo, dahil sa kahihiyan. Kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad na ang mga civil servant natin na maganda ang ginagawa. Alam namin sinasabi ninyo eh. I think COA should also consider,” ani Duque.

“We are operating under a public health emergency. Winarat na n’yo kami eh. Winarat na ninyo. Andami-daming sinasabi. Wala pa rin akong tulog, ilang gabi na ito. It is really unfair and unjust… Masakit po sa amin ito. Sabi ko nga nagkasakit na ang mga tao ko… por Diyos por Santo, maawa naman kayo… kayo nga ang pumunta dito at kayo ang gumawa.”

Dahil dito, hinikayat ng Bise Presidente ang COA na pagbutihin pa ang kanilang trabaho.

“Kaisa ako sa pag-encourage sa ating auditors na ipagpatuloy ang mabuting trabaho, kasabay ang paalala na may dahilan kung bakit may mga proseso tayong sinusunod—at katuwang natin ang COA para maipatupad ‘yung tunay na mabuting pamamahala,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,