10

Jul 19, 2021 @ 19:28
By

VP Leni panonoorin online SONA ni Duterte – spox

Inimbitahan si Vice President Leni Robredo na dumalo “virtually” sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26, ayon sa kanyang kampo.

“Vice President Leni received the invitation to attend the SONA last Friday. Similar to the previous year, she was not asked to be physically present, but to join via Zoom,” lahad ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez.

“She will therefore be attending remotely,” dagdag niya.

Bago nito ay sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na inimbitahan si Robredo na dumalo “physically” sa SONA sa Batasang Pambansa.

Dagdag ni Mendoza, ang mga nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID ang papayagang dumalo sa SONA sa Batasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?