345
leni2
By

VP Leni namulubi sa electoral protest

Sharing is caring!

Bumagsak ang yaman ni Vice President Leni Robredo dahil sa na ikinasang protesta ni dating Senador Bongbong Marcos.

Base sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Robredo noong Disyembre 2017, ang net worth nito ay P1.11 milyon na lang.

Ito ay mababa ng 87.4 porsiyento sa idineklara niyang mahigit P8.8 milyon noong Disyembre 2016.

Bago pa maupo sa kanyang puwesto si Robredo, ang kanyang deklaradong yaman ay P11 milyon.

Sa nasabi ring SALN, nakita na lumobo ang mga pagkakautang ni Robredo sa P11.9 milyon noong nakaraang taon.

Ito ay dahil sa paunang bayad niya sa counter-protest fee sa Presidential Electoral Tribunal.

Lumabas na inutangan niya ng tig-P2 milyon sina Vicente Hao Chin Jr., at Rafael Bundoc, samantalang P1 milyon naman ang hiniram niya kay Pablito Chua.

Nabatid na ang tatlo ay pawang kaanak ng yumaong mister niyang si Interior Sec. Jesse Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?