322

Oct 25, 2021 @ 18:01
By

VP Leni nakipag-usap kay Neri, Makabayan

Nakipagpulong si Vice President Leni Robredo kay senatorial candidate Neri Colmenares at mga opisyal ng Makabayan coalition kasama ang kanilang mga sectoral leader noong Biyernes.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong Lunes, nagpasalamat ang Makabayan coalition sa pakikipagpulong sa kanila ni Robredo upang mapag-usapan ang mga plataporma.

“While there are issues that require continuing discussions, we welcome VP Robredo’s positive response to the issues of sovereignty in the West PH Sea, peace talks, human rights, justice and accountability, as well as economic relief from the hardships due to the pandemic,” sabi ng pahayag ng koalisyon.

Ang mga naging tugon umano ni Robredo ay nag-udyok sa Makabayan coalition upang ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan dito para sa mga reporma at polisiyang kailangan ng bansa.

“Keenly aware of the most immediate threat today, Makabayan will continue to cooperate with the Robredo-Pangilinan campaign, with the common objective of preventing a Duterte extension or a Marcos restoration,” sabi pa ng grupo.

Hindi pa nakakapag-desisyon ang Makabayan coalition kung sinu-sino ang mga susuportahan nito sa national election.

Nauna rito ay nakumpleto na ni Robredo ang kanyang senatorial slate at hindi kasama rito si Colmenares.

“Neri Colmenares’ non-inclusion in the senatorial slate of Vice President Leni Robredo was a lost opportunity in terms of strengthening the opposition against the looming Marcos Duterte alliance for 2022,” dagdag pa ng Makabayan coalition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?