36

Jan 30, 2020 @ 18:22
By

VP Leni nagbukas ng HS dorm sa Bukidnon

Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang turnover ng isang dormitoryo para sa mga estudyante ng high school sa Sumilao, Bukidnon.

Ayon kay Robredo, itinayo ang dormitoryo para resolbahin ang mataas na dropout rate sa lugar dahil kailangan pang maglakad ng may 13 kilometro ang mga estudyante para makarating sa eskuwelahan na nagiging dahilan ng hindi na nila pagpasok.

Kaya umanong maka-accommodate ng may 20 estudyante ang dormitoryo na P2.2 milyon ang halaga.

Ang pagtatayo ng mga dormitoryo sa malalayong lugar sa bansa ay kabilang sa Angat Buhay Program ng Bise Presidente.

Noong 2019, nagbukas din si Robredo ng girls’ dormitory sa Sumilao National High School, na donasyon ng Rotary Club of Makati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?