2,370
views
Roque
By

VP Leni nag-apply sa gabinete, hindi tinanggap – Roque

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Presidential Spokesman Harry Roque na tila umano nag-apply muli sa gabinete si Vice President Leni Robredo.

Inihayag ito ng kalihim kasunod ng hakbang ng oposisyon na magpalakas at pangungunahan ito ng Bise Presidentre.

Ayon kay Roque, kinikilala ng gobyerno ang papel ng oposisyon sa demokrasya kaya’t hangad nito na maayos na mapangasiwaan ni Robredo ang kanyang grupo.

Sa ganitong paraan aniya ay hindi na umaasa si Robredo na makabalik muli sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sinabi naman namin eh importante rin ang oposisyon sa demokrasya. Pero good luck po, at sana po ay malinaw na ang papel ni Leni Robredo dahil nitong kailan lamang po eh parang nag-a-apply muli siya sa gabinete ni Presidente. So, ngayon at least mayroon na siyang desisyon na sa oposisyon na siya at hindi na siya umaasa na makapasok muli dito sa gabinete ng ating Pangulo,” ani Roque.

Matatandaang minsan na ring naging miyembro ng gabinete ang Bise Presidente subalit inalis ng Pangulo at inabisuhan sa pamamagitan ng text na huwag na itong dumalo sa mga pulong ng gabinete.

Kahapon lamang ay inihayag ng Pangulo na “incompetent” ang Bise Presidente at wala aniyang kakayahang pamunuan at pangasiwaan ang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?