56

Apr 18, 2021 @ 23:24

VP Leni na-fake news sa pagiging botante ng CamSur

Pinalagan ni Vice President Leni Robredo ang kumalat na post na nagsabing lumipat siya ng rehistro ng boto sa Camarines Sur.

Sa Facebook post ng page ni Robredo, nilinaw nito na fake news ang pinakalat na impormasyon ng isang social media page.

“Hindi po totoo ang sinasabi ng isang social media post na nagpa-transfer ng registration si VP Leni bilang botante, kaugnay umano ng pagtakbo bilang gobernador ng Camarines Sur,” saad ni Robredo.

“Haka-haka lamang po ito. Ayon mismo kay VP Leni, nananatili siyang botante sa Naga City. Sa ngayon, patuloy rin ang kaniyang pagtutok sa OVP at sa COVID-19 response operations nito,” aniya pa.

Sa naturang fake news, sinabi na lumipat daw ng registration si Robredo para makatakbo bilang gobernador ng Camarines Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?