8

Oct 7, 2020 @ 16:20
By

VP Leni: Mga empleyado panatilihin, maliliit na local producer suportahan

Hiniling ni Bise Presidente Leni Robredo sa mga negosyante na gawin ang lahat upang manatiling nasa trabaho ang kani-kanilang mga tauhan sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19.

Pinunto rin ng Bise na ang pinakamabisang paraan para malabanan ang hagupit sa ekonomiya ng pandemya ay tiyaking mabubuhay ang mga lokal na ekonomiya.

“Let us do the best we can to keep our staff employed, we can also take a look at our supply chains and see whether some of our needs can be sourced from smaller local producers,” ani Robredo sa virtual Philippine Business Conference at Expo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Ngayong panahon, mas mahalaga aniya kaysa paglago ng kita ang pagtutulungan, bagay na sa tingin niya ay ginagawa ng karamihan sa mga business leader nitong mga nagdaang buwan.

“At a time of great need such as now, helping each other should take precedence over growth and profits and I think that is exactly what most of you have been doing for the past few months,” dagdag pa ng VP ngayong Miyerkoles, Oktubre 7.

Dapat din aniyang magtulungan ang lahat para matiyak na mapatupad ang mga health at safety protocol sa mga workplace habang nananatili ang banta ng pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?