73
Leni-Robredo
Feb 16, 2018 @ 15:10

VP Leni, may papel sa transition gov’t kung…

Hindi mawawalan ng puwesto si Vice President Leni Robredo sa transition government kung sakaling mapalitan ang porma ng gobyerno ng federalism at tanggalin na ang Office of the Vice President.

Ani Communications Sec. Martin Andanar sa panayam sa Unang Balita, mayoon umanong gagampanang papel si Vice President Robredo dahil siya ay halal ng taumbayan.

Ayon sa pahayag noon ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, paaalisin sa kanyang opisina si VP Robredo bago matapos ang termino nito sa 2022 kung makakalusot ang federalism.

Sa ilalim kasi ng pederalismo ay wala nang bise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?