13

Oct 16, 2020 @ 19:10
By

VP Leni mamimigay ng 100K reusable face mask

Mamimigay ang opisina ni Vice President Leni Robredo ng may 100,000 reusable cloth face mask sa mga locally stranded individual at komunidad na higit na nangangailangan noon.

Ani Robredo, nakatanggap ang OVP ng panibagong batch ng 20,000 cloth face mask mula sa Team Pilipinas na bahagi ng #MasKampante project.

“Kasalukuyan na nating ipinamamahagi ang mga ito sa locally stranded individuals at mga komunidad na nangangailangan,” anang Bise Presidente sa Facebook post.

Bukod doon, binigyan ni Robredo ng kabuhayan ang mga mananahi mula sa Rizal, Bulacan, Marina at Laguna matapos niyang kunin para siyang gumawa ng naturang mga face mask.

https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/posts/3300958416688470

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?