177
views

VP Leni, LP solons binatikos sa Holocaust Memorial photo

Sharing is caring!

Inulan ng kritisismo ang pagpapakuha ni Vice President Leni Robredo at ilan pang Liberal Party (LP) solons sa memorial ng milyong biktima ng genocide sa ilalim ng Nazi Germany.

Ibinahagi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. sa Twitter ang naturang larawan kung saan makikitang naka-pose ang grupo ni Robredo sa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Nasa larawan sina LP president at Senador Francis Pangilinan, Quezon City Rep. Jose Christopher Belmonte, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, Marikina Rep. Miro Quimbo, at dating Budget secretary Florencio Abad.

Tinanggal din ni Baguilat ang larawan pero nai-share na ito ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa social media, at inakusahan ang mga miyembro ng LP ng hindi pagrespeto sa mga biktima ng holocaust.

Ayon naman sa tweet ni Baguilat noong Lunes, ang pagpapakuha umano nila sa Holocaust Memorial ay hindi upang bastusin ito.

“We, as human rights advocates, fully understand the plight experienced by Jews under the Nazis and we would be the last to disrespect their memory, in the same way that we condemn injustice anywhere in the world, including our own country. I apologize for this lapse in my post,” aniya.

Nilinaw din ni Baguilat na ang overseas “study trip” ng LP ay binayaran ng German Foundation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?