66

Jun 26, 2020 @ 22:16

VP Leni kay Paolo Duterte sa palit pangalan ng NAIA: Ngayon pa talaga?

Para kay Vice President Leni Robredo maituturing na `wrong timing’ ang panukala ni Davao City Rep Paolo Duterte na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport(NAIA) sa gitna ng kinahaharap na malaking pagsubok ng bansa sa COVID 19 pandemic.

Ayon kay Robredo maliban sa hindi tamang panahon ay pagpapakita din ng kawalang respeto sa kasaysayan ng bansa ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA at gawin itong Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

“When I first read about it, iyong pinaka-tanong ko sa sarili ko: ‘Ngayon pa talaga?’ Ngayon pa talaga na dapat all hands on deck tayo na nagtutulong-tulong para masugpo iyong pandemya.Number one, it’s ill-timed. Number two, alam naman natin why it was named Ninoy Aquino International Airport. So iyong tanong, where is our sense of history?” pahayag ni Robredo.

Naniniwala si Robredo na pagpapakita ng pagiging insensitive ang pagtalakay ngayonbsa pagpapalit ng pangalan ng NAIA.

Hindi rin naiwasan ni Robredo na matawa sa magiging tawag na sa airport kung matutuloy na palitan ito base sa suhestiyon ni Duterte na magigng `Papa P’ na syang tawag sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa House Bill 7031 na inihain ni Duterte at nina ACT-CIS party-list Rep Eric Yap at Marinduque Rep Lord Allan Velasco, iginiit nito na kailangan ng mas malakas na branding para sa iternational gateway ng bansa kaya naman mas mainam kung babaguhin ang pangalan ng airport. (Tina Mendoza)

.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?