783

Nov 9, 2021 @ 17:43
By

VP Leni kay Marcos Jr: Hindi naman kami diktador

Bumuwelta si Vice President Leni Robredo sa hamon ni Ferdinand Marcos Jr., na sabihan niya ang mga kaalyado na bawiin ang disqualification petition na inihain laban sa huli.

“Sabihin niya sa mga kasama niya na i-withdraw na (petisyon) kung ‘yun ang kanyang opinyon,” ani Marcos Jr. nang hingan ng reaksyon tungkol sa pahayag ni Robredo na wala siyang kinalaman sa petisyon para idiskaril ang pagtakbong pangulo ng una.

Nauna nang sinabi ni Robredo na wala siyang kinalaman sa nasabing petisyon at kung gusto raw niyang ipa-disqualify si Marcos Jr. ay sana noon pang nagharap sila sa 2016 elections.

Samantala, sa online forum nitong Martes, sinabi ni Robredo na hindi siya diktador para diktahan ang mga petitioner.

“Sa akin naman hindi naman kami diktador, bakit namin didiktahan ‘yong mga petitioner na i-withdraw ‘yon,” pahayag ni Robredo.

Saad pa niya, kung walang dahilan para umusad ang naturang petisyon ay walang dapat na ikatakot si Marcos Jr.

“But if Mr. Marcos thinks that there is no ground for the petition to prosper, wala naman siyang dapat ikatakot,” wika ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?