204

Mar 3, 2021 @ 20:26
By

VP Leni kay Duterte: Parang hindi pangulo, sobrang pikon

Binasag na ni Vice President Leni Robredo ang pananahimik sa bagong tirada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing parang hindi presidente ang nagsasalita.

“Ang unang dating sa akin, parang hindi pangulo ang nagsasalita. Pangalawa, sobrang pikon,” sambit ni Robredo sa “The Mangahas Interviews”.

Dagdag niya, dapat pinahihintulutan ang mga tao na magbigay ng suhestiyon.

“Kelangan ‘yung tao malayang magbigay ng suggestions,” saad pa ni Robredo.

Kaugnay ito sa banat ng Pangulo sa kanyang pre-recorded address noong Lunes ng gabi, kung saan sinabihan si Robredo na mamalengke ng COVID-19 vaccine matapos mapika ang una sa sentimyento ng huli na paghahangad ng isang mas ligtas at mas mabisang bakuna sa COVID-19 para sa mga healthcare worker.

“Kung gusto mo talaga para mahinto ka, kunin mo ‘yung basket mo, mamalengke ka doon sa labas ng bakuna. Bigyan kita pera,” tugon ng Pangulo sa Pangalawang Pangulo.

Giit pa ni Robredo, ang isyu ay higit pa sa pagbibigay ng pera sa kanya upang bumili ng mga bakuna.

“It’s not as easy as bibigyan mo ako ng pera, bibili ako,” wika pa ng Bise Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?