370
leni-robredo
By

VP Leni inihalintulad kay Diosdado Macapagal

Pinuri ng mga senador ang pagsisikap ni Vice President Leni Robredo na tulungan ang mahihirap sa bansa.

Sa Senate finance sub-committee hearing nitong Lunes, iprinisenta ni Robredo ang outreach plans ng Office of the Vice President (OVP) para tulungan ang mahihirap na mamamayan sa ilalim ng kanyang mga programa na “Angat Buhay”, “Ahon Laylayan”, at “Storya ng Pagasa”.

Naalala umano tuloy ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa katauhan ni Robredo.

Ani Drilon, gaya ni Robredo ay hindi rin umano noon binibigyan ng trabaho si Macapagal bilang vice president ni dating Pangulong Carlos Garcia.

Kaya ang ginawa ng dating bise presidente sa loob ng apat na taon ay ang maglibot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas para tulungan ang mga nangangailangan.

Sa kabutihang-palad umano ay nanalo sa pagka-Pangulo noon si Macapagal.

“Therefore, what Diosdado Macapagal did for four years that he was in office was to go around the country helping the needy. And then subsequently, Diosdado Macapagal won the presidency, whether or not there is a parallel to that, I’m just stating facts,” saad ni Drilon.

“Diosdado Macapagal was similarly situated as Vice President Robredo,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga mambabatas sa sumaludo sa mga programa ni Robredo sina Senador Sonny Angara, Joel Villanueva at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?