26

Jul 19, 2021 @ 16:16
By

VP Leni imbitado sa huling SONA ni Duterte

Inimbitahan si Vice President Leni Robredo na dumalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Hulyo 26.

Sabi ni House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza, hinihintay pa nila ang sagot ni Robredo.

Noong nakaraang taon ay hindi nakatanggap ng imbitasyon mula sa Malacañang si Robredo para sa ikalimang SONA ni Pangulong Duterte sa Kamara.

Kaya naman pinanood na lamang ng Bise Presidente online ang naganap na SONA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?