leni2
By

VP Leni humirit ng diplomatic protest vs Chinese bombers

Sharing is caring!

Inuudyukan ni Vice President Leni Robredo ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maghain ng diplomatic protest laban sa China.

Ito’y kaugnay sa pagsasanay ng China ng kanilang puwersang pandigma gamit ang long-range bomber planes sa West Philippine Sea.

Kasabay nito ng pagpapahayag ni Robredo na lubha nang nakakabahala ang ginagawang hakbang ng China sa rehiyon gamit ang kanilang makabagong puwersang pandigma.

Giit nito, nagiging banta na sa Pilipinas at iba pang kalapit na bansa ang mga hakbangin ng China.

Banggit ng bise presidente, nakasaad sa Saligang Batas na ipinagbabawal ang presensiya ng banyagang puwersa sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Aniya, umaasa ang sambayanan sa gobyerno na titindigan ang integridad ng teritoryo ng bansa.

Idinagdag pa ni Robredo, dapat ay isinusulong na rin ng Pilipinas ang lahat ng diplomatikong paraan para maresolba ang isyu sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?