44

Oct 6, 2020 @ 22:20
By

VP Leni hindi apektado ng mga survey

Mas nakapokus si Vice President Leni Robredo sa kanyang trabaho kaysa sa mga lumalabas na survey.

‘Yan ang paliwanag ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez sa nakuhang 57 percent approval rating sa Pulse Asia survey.

“Hindi masyado concerned si Vice President Leni sa survey. Para sa kanya, hindi siya pumasok sa pulitika, sa pagsisilbi sa publiko para maging popular,” lahad ni Gutierrez sa TeleRadyo.

“I don’t think nawalan siya ng tulog dito. I don’t think pinag-isipan niya nang matagal, kumbaga it’s something you accept as part of the things na nangyayari kung ikaw ay nagsisilbi sa publiko,” giit pa nito.

Matatandaan na pinatamaan si Robredo ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa approval at trust rating nito.

“Subukan po nating itigil ang pulitika, baka po tumaas nang mataas sa 50 percent ang trust rating at mataas pa po sa 57 percent ang performance rating,” saad ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?