31

By

VP Leni duda na uubra ang raid sa mga rice hoarder

Sharing is caring!

Naghayag ng kanyang pagdududa si Vice President Leni Robredo na uubra ang paggamit ng puwersa ng militar at pulisya para masolusyonan ang kakapusan ng bigas sa bansa.

Ayon kay Robredo unang-una ay hindi inaanunsiyo ang isasagawang pagsalakay sa mga bodega na ginagamit ng mga ilegal na nag iimbak ng bigas.

Pagdidiin nito ang dapat gawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magkaroon ng konkretong hakbang laban sa mga negosyante na responsable sa kakulangan ng suplay ng pambansang butil.

Inalala nito na sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay nabanggit na niya ang isyu sa bigas.

Nagbabala pa ang Punong Ehekutibo sa mga responsable sa kulang na suplay at mataas na halaga ng butil.

Hindi kumbinsido si Robredo na mareresolba ng pagsalakay sa mga bodega ng rice hoarders ang isyu sa bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?