By

VP Leni Camp kay Bongbong: Mag-sorry ka

Sharing is caring!

Para sa kampo ni Vice President Leni Robredo, dapat humingi ng paumanhin si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. dahil sa malinaw na pagkakamali nito sa kanyang mga alegasyon.

Partikular na tinukoy ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, ang sinasabi umano ng dating senador na ilang markings sa ballot images ay pagpapatunay na dinaya siya sa vice presidential election noong 2016.

“Dapat mag-apologize siya. Oo, public apology. Alam mo kung ako, baka lumuhod po ako. ‘Patawarin mo po ako sapagkat ako’y nagkasala’,” ayon kay Macalintal.

Paliwanag ni Macalintal na ang kinukwestiyon umano ni Marcos na square markings sa kopya ng ballot images, ay isa umanong ‘special feature’ sa 2016 election dahil ang naturang markings ay nangangahulugan para sa mga botong umabot sa ‘25-percent threshold’ na magbibigay naman ng senyales sa vote-counting machine na ikonsidera ang boto na valid at counted.

Una nang kinuwestiyon ni Marcos ang kopya ng ballot images na mayroong umanong hugis kahon imahe malapit umano sa pangalan ng ilang kandidato at ang mga boto umano para sa kanya ay kinonsiderang undervotes.

“Kami’y naniniwala na ‘yong mga pagkakamali nilang ‘yan dapat aminin ang pagkakamali. ‘Yan ang palatandaan ng isang tunay na lalaking maginoo,” dagdag ni Macalintal.

Nilinaw rin ni Macalintal ang kinuwestiyon ni Marcos ukol sa sinasabing parehas na ballot numbers sa ballot images.

“Ballot IDs are “unique and the same” for each clustered precinct, and that this had been discussed during the Comelec orientation before the 2016 election,” paliwanag pa ni Macalintal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?