82

Jun 22, 2022 @ 22:33
By

VP Leni binati si incoming VP Sara Duterte: ‘Andito lang kami lagi’

Binati ni Vice President Leni Robredo si incoming VP Sara Duterte at nag-alok din ng tulong.

Umaasa umano si Robredo na maipagpapatuloy ni Duterte ang mga nasimulang programa ng kanyang opisina bilang bagong bise presidente.

“Kinongratulate ko siya. I wished her well. Kung merong mga tanong, andito lang kami lagi,” ani Robredo sa report sa “Unang Balita”.

“Wala naman tayong hinangad kundi ‘yung mga bagong officials will perform well. Ako I would like to believe na ‘yung mga projects naman namin, para naman ‘yun sa communities, so ako, ‘yung aking inaasahan na ipagpapatuloy din,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?