327

Jul 17, 2021 @ 22:27
By

VP ‘di ligtas sa kaso – abogado

Nagkomento ang isang human rights lawyer at law teacher sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya ng paulit-ulit bilang bise presidente upang makaiwas sa mga kaso na pwedeng isampa sa kanya pagkatapos ng kanyang termino.

Sa isang maiksing tweet, ibinahagi ni Atty. Ted Te na hindi immune sa kaso ang isang bise presidente.

“The VP is not immune from suit by law or by tradition. Non-issue. Non-story,” saad nito.

Kaugnay ito ng pahayag ni Duterte sa gitna ng PDP-Laban national assembly nitong Sabado.

“They keep on threatening me with lawsuits and everything, Trillanes and itong si Carpio and his elk, panay ang takot sa akin na mademanda. Sabi ng batas kung presidente ka , bise-presidente ka may immunity ka. Eh tatakbo na lang ako ng bise-presidente. And after that tatakbo uli ako ng bise presidente at bise presidente at bise presidente,” wika ni Duterte.

Matatandaang noong 2015 ay naging isyu ang korapsyong kinasangkutan ng noo’y Vice President Jejomar Binay kung saan pinaliwanag na rin ng ilang abogado na hindi ligtas sa kaso ang isang bise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?