21

Oct 5, 2021 @ 16:00
By

VP bid ni Go suportado ng mga gobernador

Kalahati umano ng 81 provincial governor sa bansa ang sumusuporta sa vice presidential bid ni Senator Bong Go.

Ayon kay Eastern Samar Gov. Ben Evardone may 41 gobernador na ang pumabor sa pahayag na nagbibigay ng suporta kay Go at inaasahan na dadami pa ito.

Ang mga pabor sa pahayag ay nangako na susuporta at ikakampanya si Go sa darating na halalan.

Ayon sa pahayag, nakita ni Go ang mga problemang kinakaharap ng bansa dahil sa pagiging close aide nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Such experience has prepared him adequately for elective public office – as senator and hopefully as vice president. Having come from the ranks of local public servants, we have no doubt that Bong Go understands the issues we face 24/7 in our respective provinces,” sabi sa pahayag.

Tinukoy din sa pahayag ang mga nagawa ni Go partikular ang pagtatayo ng mga Malasakit Center upang maging madali ang paghingi ng tulong ng mga mahihirap na pasyente sa mga ahensya ng gobyerno.

“With our support, if he is elected vice president, Bong Go promises to continue President Duterte’s programs, particularly his campaign against illegal drugs, criminality and corruption. These are some of the problems we continue to face as local officials, despite the administration’s gains in stamping out such nefarious activities,” sabi pa sa pahayag.

Inihain ni Go ang kanyang certificate of candidacy noong Sabado, ang araw kung kailan inihayag ni Duterte ang pag-atras nito sa pagtakbo sa pagka-bise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?