174

Oct 18, 2021 @ 17:59

VP bid ni Gibo bulilyaso kay Sara

Inamin ni dating Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro na naapektuhan ng pag-atras ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang plano niya dapat sa 2022 elections.

Matatandaang sinabi ni Teodoro na nais niyang maging running-mate ni Mayor Sara sakaling tumakbo itong pangulo sa 2022.

Ngunit dahil hindi naghain ng certificate of candidacy (COC) ang presidential daughter para tumakbong pangulo, senador ang tatakbuhan ni Teodoro.

“Since Mayor Sara did not file her COC and she did not make any commitment to do so, upon consultation with close advisers, friends, and the public, running for senator was their advice,” pahayag ni Teodoro sa panayam ng CNN.

Dugtong pa ni Teodoro, hindi nabanggit sa kanya ni Mayor Sara na muli itong tatakbo bilang alkalde ng Davao City.

Gayunman, marami pa rin naman daw siyang nakahandang plano sakaling mahalal sa Senado, kabilang na ang pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas at paglaban sa mga komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?