134

Aug 25, 2021 @ 16:02
By

VP bid ni Duterte ‘insulto’ sa botante – Akbayan

Isa umanong malaking pag-insulto sa botanteng Pilipino ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022, ayon sa Akbayan Partylist.

Sa isang statement ngayong Miyerkoles, binanatan ng Akbayan ang pangulo sa kanyang pagtakbo sa 2022 dahil ginagawa raw nitong uto-uto at bobo ang mga tao.

“President Rodrigo Duterte’s shameless declaration that he would run for the Vice Presidency in 2022 is an insult to the intelligence of the Filipino voter,” wika ni Akbayan first nominee Perci Cendaña.

“Sobrang liit ng tingin ni Mr Duterte sa mga botante. Akala niya hahayaan ng mamamayan ang kanyang kasakiman sa kapangyarihan. Ginagawa niyang uto-uto at bobo ang mga tao,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, hindi na raw nila ikinagulat ang pagtakbo ng pangulo sa 2022. Anila, kasaysayan na mismo ang magsasabi na lahat ng diktador ay kakapit sa pwesto kapag nakalasap na ng kapangyarihan.

“History has shown us time and again that no tyrant relinquishes power willingly. They will scramble to come up with any scheme to justify staying in power,” wika pa ni Cendaña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?