16

Jul 15, 2021 @ 13:06
By

Voucher program sa SHS itutuloy – DepEd

Ginarantiya ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na magpapatuloy sa darating na taong pampaaralan 2021-2022 ang kanilang Senior High School Voucher Program (SHS VP).

“DepEd is committed to ensure the continued implementation of the SHS VP as well as its other programs of Government Assistance and Subsidies, to the extent that funding is made available to DepEd,” saad sa statement ng DepEd.

Ang SHS VP ay programa ng ahensya na naglalayong mabigyan ng tulong pinansyal ang mga nagtapos ng Grade 10 na makapasok sa mga pribadong paaralan, state university at college at iba pang pamantasan para mag-senior high school.

Ang mga pasok sa programa ay ang mga nagtapos ng Grade 10 sa mga pampublikong paaralan, state universities and colleges (SUCs), local universities ang colleges (LUCs)  at mula sa mga pribadong paaralan na mula sa Education Service Contracting grant.

Ayon kay Annalyn Sevilla, undersecretary for Finance, nasa 1,175,554 ang mga benepisaryo ng SHS VP program sa bansa. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?